^

Metro

Bebot itinumba, isinako pa

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay na isinilid pa sa isang sako sa Brgy. Culiat, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa Quezon City Police, nadiskubre ang bangkay ng biktima ganap na alas-6 ng umaga na punung-puno ng dugo ang katawan at iniwan ng hindi pa kilalang mga sa­larin sa may eskinita ng Mujahidin St. sa tapat ng Salam Mosque sa nabanggit na lugar. Nakasuot ito ng kulay gray na t-shirt at dirty white na pants, tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos, kayumanggi.

Hinala ng pulisya, posib­leng sa ibang lugar isinagawa ang pagpaslang sa biktima at itinapon lamang sa nasa­bing compound.

Patuloy pa ang ginaga­wang imbestigasyon ng pu­lisya sa pagkakakilalan ng biktima at sa motibo ng krimen­.

AYON

BRGY

CULIAT

HINALA

ISANG

MUJAHIDIN ST.

NAKASUOT

PATULOY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SALAM MOSQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with