^

Metro

P 1 bilyong halaga ng shabu nasamsam sa raid

- Nina Joy Cantos at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga awtoridad ang isang warehouse kung saan nasamsam ang aabot sa 190 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos P1 bilyong piso sa operasyon sa San Juan City kahapon ng umaga.

Ayon kina National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Nicanor Bartolome at San Juan Police chief, Sr. Supt Popoy Lipana, bandang alas-10 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng NCRPO, PNP-Anti Illegal Drugs-Special Operations Task Force(PNP-AID-SOTF) at San Juan City Police ang bodega ng shabu na mata­tagpuan sa # 208 Ortigas corner P. Guevarra Sts., Brgy. Addition Hills  ng lungsod.

Sinabi ni Bartolome na ang raid ay kasunod ng pag­kakaaresto ng tatlong pi­naghihinalaang Chinese drug traffickers na hinihinalang may koneksyon sa international drug ring sa  Parañaque City noong Miyerkules ng gabi.

Nabatid na ang ni-raid na townhouse sa San Juan City ay nirerentahan ng suspect na si Long Zong alyas Sonny Long na kabilang sa tatlong Chinese na nasakote sa drug-bust operation sa Parañaque City.

Sa naunang raid, si Zong at dalawa pang Chinese na sina  Chan Pon Lou, 38 at Wai Cheung Leung, 41 ay nasamsaman ng 8.5 kilo ng shabu na may halagang P 35 milyon

Bago ito ay isinailalim sa masusing surveillance ope­ration ng mga awtoridad ang grupo umpisa pa nitong hu­ling bahagi ng Pebrero kung saan si Zong ay madalas nakikitang nagtutungo sa na­banggit na townhouse na ginawa ng mga itong bo­dega ng shabu.

Nasamsam sa raid ang ‘finished products’ ng shabu na nasa 18 pakete na nababalutan ng packaging tape sa isa sa mga kuwarto na aabot sa 190 kilo na ayon kay Bartolome ay tinatayang nagkakahalaga ng P940-hanggang P960 milyon o halos isang bilyong halaga na pinaniniwalaang handa na sa malakihang ‘shipment’ sa  mga parukyano ng naturang  sindikato.

Ayon kay Bartolome, walang natagpuang anumang kemikal ng shabu at mga ka­gamitan sa pagmamanu­paktura ng droga sa 2 storey townhouse na nangangahulugan lamang na sa ibang lugar ginagawa ng sindikato ang bulto ng droga.

Sa kasalukuyan, ayon  pa sa NCRPO Chief ay hindi nila inaalis ang posibilidad na nagtayo ng mga illegal na laboratoryo ng shabu sa mga kalapit na probinsya ng Metro Manila ang mga drug traffickers.

ADDITION HILLS

AYON

BARTOLOME

CHAN PON LOU

CHIEF DIRECTOR NICANOR BARTOLOME

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with