^

Metro

Iniwan ng nobya, kelot nagbigti

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dahil sa bigong pag-ibig, winakasan ng isang 29-anyos na lalaki ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na makipagkalas ang kanyang nobya, kama­kalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa Las Piñas­ District Hospital si Ramil Solis, karpintero, ng Samson Compound­, E. Aldana 1, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Piñas police, dakong ala-1 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito ng kanyang ina na si Aling Josefina, 65.

Sinabi nito na tinawag niya ang anak upang kumain ng tanghalian ngunit tumambad ang nakabigting katawan ng biktima na gumamit ng kawad ng kuryente sa pagpapakamatay.    

Nauna rito nabatid na isang mainit na pagtatalo ang naganap sa pagitan ng biktima at ng kasintahan nitong nakaraang Linggo kung saan winakasan na umano ng babae ang kanilang relasyon.

Tinangka na ng biktima na kitlin ang sariling buhay sa pagbibigti ngunit naawat ito ng mga kasambahay. Nang hindi­­ mabantayan ang pagkukulong sa kuwarto kama­kalawa, naituloy rin ni Solis ang pagbibigti kung saan nagtagumpay na ito na wakasan ang buhay.

vuukle comment

ALDANA

ALING JOSEFINA

DAHIL

DISTRICT HOSPITAL

LAS PI

LINGGO

NANG

NAUNA

RAMIL SOLIS

SAMSON COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with