^

Metro

Plaka ipinapipinta sa bubong ng mga PUVs

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga operators ng mga public­ utility vehicles (PUVs) na ipin­­tura sa bubungan ng kanilang mga behikulo ang plate number nito para mas mada­ling ma-monitor ng mga traffic enforcers.

Ito’y makaraang magpasa ng resolusyon ang Metro Manila Council na binubuo ng mga alkalde sa Metro Manila ukol sa “roof tagging” para matulungan ang MMDA na mamonitor ang mga pampublikong bus, at taxi na lu­malabag sa trapiko sa mga pangunahing lansangan sa kamaynilaan.

Ipinaliwanag ni MMDA Chairman Francis Tolentino na malaking tulong sa kanilang “closed circuit television (CCTV) came­ras” na matukoy ang mga pampublikong sasakyan na lumalabag sa batas-trapiko kung nakapintura ang plate number ng mga ito sa bu­bungan dahil sa mare-re­cord nila ito.

Kasalukuyang may 68 CCTV camera na nag-oope­rate ang MMDA habang na­ngako umano ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na magbibigay ng 1,000 donasyon na CCTV camera sa ahensya.

Makakatulong rin umano ang “roof tagging policy” para hindi magawa ng mga operators ng mga bus na makapagpalit-palit ng plate number upang palagiang makabiyahe kahit na pasok ito sa “number coding”.

Ang naturang polisiya ay pagbuhay lamang sa MMDA Resolution no. 02-27 na inaprubahan ng MMC noong Hulyo 25, 2002 na binibigyan ng awtoridad ang MMDA na magpatupad ng license plate tagging.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

HULYO

INATASAN

IPINALIWANAG

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

SHY

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with