^

Metro

Lalaki nag-harakiri matapos saksakin ang ex-girlfriend

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki ma­karaang magtarak sa sarili matapos niyang pagsasaksakin ang dating girlfriend na tumangging makipagbalikan sa kanya, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Gayunman, tanging ang suspect lamang na nakilala sa alyas Macmac ng Brgy. Holy Spirit ang nasawi, habang ang tinangka niyang patayin na si Lourdes Perez, isang guro sa San Juan Elementary School ay patuloy na inoobserbahan sa Veterans Hospital bunga ng mga tama ng saksak sa leeg, braso at tiyan.

Ayon kay PO3 Joselito Ga­gaza ng Quezon City Police, pinagtangkaang patayin ni Macmac ang biktima matapos na biguin siyang balikan nito makaraan na kalasan ilang araw ang nakakalipas sa pamama­gitan ng text messages.

“Wala kasing trabaho ang suspect, ngayon nakikipag­ba­likan sana siya pero sinabihan siya ng biktima na “magha­nap ka na muna ng trabaho na ipinagdadamdam nito”, sabi ni Gagaza. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa ka­habaan ng Road 4, corner Road 1, Project 6 sa lungsod ganap na alas-5:20 ng umaga. Bago ito, nagpupumilit umanong makipagbalikan ang suspect sa biktima, nagpunta pa ito sa bahay ng huli para muling makipag-usap hinggil sa kanilang dating relasyon pero bigo pa ri ito.

Kahapon habang nag­la­lakad ang biktima sa nasa­bing lugar para mag-abang ng sasakyan patungo sa kanyang pinapasukang paaralan ay biglang sumulpot ang suspect na armado ng kitchen knife at pinagsasaksak ang una.

Matapos tadtarin ng saksak ang biktima at duguang bumuwal sa kalsada. Inakala ng suspect na patay na ito kung kaya nagdesisyon na rin itong mag-harakiri at saksakin ang sariling dibidib saka bumuwal katabi ng biktima.

Tiyempo namang napa­daan sa lugar ang ilang barangay tanod sa lugar at nakita ang duguang mga katawan ng dalawa ay mabilis na itinakbo ang mga ito sa naturang ospital, ngunit tanging ang suspect lamang ang idineklarang patay.

Habang ang guro ay sinusubukan pa ring maisalba ng mga doktor dito.

vuukle comment

AYON

HOLY SPIRIT

JOSELITO GA

LOURDES PEREZ

MACMAC

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL

SHY

VETERANS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with