Dalaga nalitson sa sunog
MANILA, Philippines - Masusing iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District ang pagkakalitson nang buhay sa isang 19-anyos na dalaga na na-trap sa loob ng kanilang inuupahang silid, sa isang 2-storey apartment sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.
Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, sinadya nilang ipahawak sa SOCO ang imbestigasyon, sa halip na sa Arson Division ng Manila Fire dahil sa posibilidad na may foul play umano sa insidente ng pagkakasunog sa ika-2 palapag ng tahanan na matatagpuan sa #1969 panulukan ng San Lorenzo at Katamanan St., Tondo, kung saan nakulong sa apoy ang biktimang si Angeline Rose Lising, na ikinasawi nito.
Nabatid na dakong alas-4 ng hapon kamakalawa nang sumiklab ang apoy at tuluyang nilamon ang nasabing palapag sa loob ng 30 minuto, na umabot lamang sa 2nd alarm. Walang nadamay na kapitbahay at hindi pa matukoy ang ari-arian na napinsala.
Ayon pa sa nakalap na impormasyon, imposibleng hindi makalabas kaagad ang biktima dahil halos isang dipa lamang ang laki umano na sinasabing tinutulugan nitong silid kaya’t hindi siya dapat nakulong sa apoy.
- Latest
- Trending