Lalaking tadtad ng saksak natagpuan

MANILA, Philippines - Tadtad ng saksak ang bangkay ng isang hindi pa naki­kilalang lalaki nang matagpuan ng mga otoridad sa isang bakanteng lote, sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan na nasa pagitan ng edad na 28 hanggang 35, may taas na 5’5”, may suot na dirty white t-shirt at camouflage na short.

Sa inisyal na ulat ng Malabon City Police, dakong 6:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima sa isang madilim na bakanteng lote sa Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod­.

Base sa naging salaysay ng mga residente, napansin ng mga ito ang pag-iingay ng mga aso sa kanilang lugar at nang lapitan ng mga ito ang naturang lugar ay tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima.

Ipinalalagay ng mga awtoridad na posibleng nakursunadahan ang biktima ng mga gumagalang adik sa nabanggit na lugar.

Show comments