^

Metro

Resto bar ipinasara

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng patung-patong na paglabag, tuluyan nang ipinasara ni Manila Mayor Alfredo Lim ang isang resto bar sa Sampaloc, Maynila.

Agad na pinadlock ni Supt. Jemar Modequillo ang U Jam Restaurant sa no. 816 Moret St. Sampaloc Maynila, na pagmamay-ari ni Maricon Fontelar, matapos na madiskubreng lumabag ito sa regulasyon ng city hall.

Kabilang sa mga paglabag ay ang hindi pagdedeklara ng reclassification ng business permit nito mula sa 2nd class restaurant with liquor na na­ging 1st class restraurant with liquor, ang kawalan ng occu­pational permit ng may 14 na tauhan nito, walang Fire Safety Inspection Certificate, Sanitary Permit, Certificate of Electrical Inspection at ang kawalan ng Barangay Clearance.

Batay sa closure order­ na inisyu­ ni Secretary to the Mayor­ Atty. Rafaelito Ga­­­ rayblas, binabalewala ng may-ari ng naturang establisim­yento ang notice na ipinadadala ng city hall upang ayusin ang kanilang papeles.

Napag-alaman na mara­ming residente din ang nagre­reklamo dahil na rin sa ingay­ at polusyong dulot nito sa komunidad.

Sinabi pa ni Garayblas na mahigpit ang city hall sa pag-iisyu ng mga permit dahil kailangang nasa tamang proseso ang mga ito at hindi nakaabala sa publiko.

ALFREDO LIM

BARANGAY CLEARANCE

CERTIFICATE OF ELECTRICAL INSPECTION

FIRE SAFETY INSPECTION CERTIFICATE

JEMAR MODEQUILLO

MANILA MAYOR

MARICON FONTELAR

MORET ST. SAMPALOC MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with