^

Metro

P500 multa sa mahuhuling nagtatapon ng upos sa Marikina

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines –  Halagang P500 ang multang sisingilin ng grupo ng Anti-littering sa sinumang residente o dayo sa Marikina City na mahuhuling nagtatapon ng upos ng sigarilyo at iba pang basura sa kalsada.

Ito ang ipinalabas na babala kahapon ni Marikina City Mayor Del De Guzman para sa patuloy na pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lungsod.

Ayon sa Alkalde, binigyan nila ng awtoridad ang mga barangay opisyal kabilang na ang mga tanod na manghuli ng mga nagtatapon at nagkakalat ng mga basura sa kalsada.

Sinabi ng Alkalde, layunin nilang maging disiplinado sa sarili ang lahat ng mamamayan ng Marikina at ang mga bumi­bisita sa lungsod kaya nila ipina­tutupad ang mahigpit na kautusan.

Ang lahat ng mga barangay ay may itatalagang anti-littering enforcer na siyang makaka­tuwang ng City Environmental Management Office para sa pag­papairal ng disiplina at ka­linisan sa lugar ng kanilang lungsod.

ALKALDE

AYON

CITY ENVIRONMENTAL MANAGEMENT OFFICE

HALAGANG

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY MAYOR DEL DE GUZMAN

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with