^

Metro

Minultong killer, kumanta 1 pang kasama arestado

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Isang pang suspect na nanloob at pumatay sa isang 72-anyos na lola sa Tondo, Maynila ang nadakip matapos ikanta ng kasamahan nitong suspect na nauna nang sumuko matapos umanong multuhin ng biktima.

Dakong alas-6 ng gabi kahapon nang ­­ares­tuhin ng grupo ng Manila Police District-Homicide Section ang ikalawang suspect na si Gerry Diaz, 53, vendor at residente ng Marulas, Macabolo St., Caloocan City.

Aktong nakahiga sa kanilang bahay ang suspect nang madatnan ng mga operatiba at binitbit ito sa MPD headquarters.

Sinabi naman ni Diaz na ang nakulimbat nila sa biktimang si Bella Amurao, ng Int. 20 Santos Teodoro St., Matang Tubig, Tondo, Maynila ay siya ang nagbenta sa halagang P7,500.

Unang sumuko kay PO2 Ronnie de los Reyes at sa mga opisyal ng barangay ang suspect na si Jonjon Bituin, 32, ng Matang Tubig, Tondo, dahil sa konsensiya at pagmu­multo ng biktima.

Inamin na rin ni Bituin na bukod sa pananakal ay sinaksak niya sa ulo ng screw driver ang matanda habang look-out si Diaz.

vuukle comment

BELLA AMURAO

CALOOCAN CITY

DIAZ

GERRY DIAZ

JONJON BITUIN

MACABOLO ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MATANG TUBIG

MAYNILA

SANTOS TEODORO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with