^

Metro

1 pang SUV kinarnap sa loob ng garahe

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Muling nalusutan ng mga kilabot na karnaper ang pagbabantay ng pulisya makaraang matangay ang isa na namang SUV, kahapon ng madaling- araw sa Taguig City.

Sa ulat ng Taguig Police, dakong alas-3 ng madaling-araw nang madiskubre ang pagkawala ng asul na Mitsu­bishi Montero 2009 (NID-687) sa kabila na nasa loob ito ng garahe nito sa #31 FP Burgos St., Brgy. Sta. Ana, ng naturang lungsod.

Nabatid na pag-aari ang naturang sasakyan ng isang Fernando Dolfe na nangu­ngupahan sa isang bahay na pag-aari ng kasero nilang si Glen Franco.

Ayon kay Franco, iniins­peksyon niya ang kanyang mga paupahan makaraang makarinig ng umaalis na sasakyan at nadiskubreng nakabukas ang gate ng bahay na inuupahan sa kanya ng pamilya Dolfe.

Tinanong nito ang kasambahay ni Dolfe na nagulat nang makitang wala na ang sasakyan.

Agad naman nitong ginising ang among si Dolfe na nagtataka kung bakit nakuha ang susi ng sasakyan na iniwan niya sa ibabaw ng kanilang refrigerator.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na “inside job” ang nangyaring karnaping o maaaring kakilala rin nina Dolfe ang may kagagawan dahil sa nagawang makapasok ng bahay at alam ang kinalalagyan ng susi ng sasakyan.

vuukle comment

AYON

BRGY

BURGOS ST.

FERNANDO DOLFE

GLEN FRANCO

MITSU

NABATID

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

TINANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with