^

Metro

DILG pinaalerto sa jueteng

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng concerned citizen sa  tanggapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Jesse Robredo ang muling pagbuhay o “full blast” operation ng illegal game numbers na “jueteng” sa buong lalawigan ng Panga­sinan.

Ito ay makaraang mapa­ulat ang balik operas­yon ng jueteng sa lalawigan na pinatatakbo umano ng isang alyas “Boy Bata” na isang barangay chairman sa Quezon Province.

Sa report na natanggap mula sa Camp Crame, dalawang linggo na ang operas­yon ng jueteng sa lalawigan kung saan ay umaabot sa P10 milyon ang nakukuhang kub­ransa sa loob ng isang araw.

Habang tatlong porsiyento naman ng kubransa ay napupunta sa ilang tiwaling opisyal ng pulisya.

Dagdag pa rito, isang mayor at isang board member ang katulong ni Boy Bata sa pagpapatakbo ng naturang sugal na tatlong beses ang bola sa loob ng isang araw.

Kamakailan lang ay nagbaba ng direktiba si Robredo kay Chief  PNP, Director General Raul Bacalzo para magsagawa ng imbestigas­yon hinggil sa sinasabing balik operasyon ng jueteng sa Pangasinan kasabay ng kautusang sugpuin ito.  

BOY BATA

CAMP CRAME

DAGDAG

DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

HABANG

ISANG

JESSE ROBREDO

QUEZON PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with