^

Metro

Konstruksiyon ng 35 gusali sa Makati, pinatigil

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinatigil ni Makati City Mayor Junjun Binay ang konstruksyon ng 35 gusali sa lungsod makaraang madiskubre ang sari-saring pag­labag ng mga may-ari at kontraktor sa umiiral na National Building Code of the Philippines.

Ito’y makaraan ang kontrobersya sa pagkasawi ng 10 katao sa Eton Towers sa lungsod dahil sa pagbagsak ng gon­dola lift at pagguho ng isa pang gusali nito sa Quezon City kamakailan.

Sinabi ni Makati City Engineer Nelson Morales na nagsagawa sila ng inspeksyon sa mga construction sites mula pa umano nitong nakaraang Enero kung saan nadiskubre ang napakaraming paglabag.

Kabilang sa mga paglabag ang kakula­ngan ng babala, safety nets, safety gears at equipments.

Maaari lamang umanong maipagpatuloy ang konstruksyon sa oras na sumunod na ang mga ito sa probisyon ng batas at pagbabayad ng kaukulang mga multa.

ENERO

ETON TOWERS

IPINATIGIL

KABILANG

MAAARI

MAKATI CITY ENGINEER NELSON MORALES

MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY

NATIONAL BUILDING CODE OF THE PHILIPPINES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with