^

Metro

Sunog sa Pasig: 60 pamilya nawalan ng bahay

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - May kabuuang 60 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang oras na sunog na naganap sa Pasig City kahapon ng umaga.

Nabatid na ang sunog ay nag­simula ng alas-8:45 ng umaga sa tahanan ng isang Se­rapio Lumberio sa #178 R. Valdez St., Brgy. Bagong Ilog Pasig City.

Sinasabing nasa Pampanga o walang tao ang bahay ng pa­milyang Lumberio noong maganap ang sunog na umabot sa ika-limang alarma.

Ayon sa mga residente, nakita nilang may lumalabas na usok sa bubungan ng bahay ng pamilya Lumberio. Makalipas ang ilang minuto ay narinig nila ang isang malakas na pagsa­bog na hinihinalang galing sa isang liquefied petroleum gas (LPG) dahil doon ay mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang may 20 pang tahanan.

Tinatayang aabot sa P2-milyon ang naabong ari-arian at wala namang naiulat na na­saktan o kaya’y nasawi sa nasabing sunog.

AYON

BAGONG ILOG PASIG CITY

BRGY

LUMBERIO

MAKALIPAS

NABATID

PAMPANGA

PASIG CITY

SINASABING

VALDEZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with