^

Metro

Dumaan sa tamang proseso ang pagdakip kay Dominguez - PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Walang nilabag na batas at dumaan sa tamang pro­seso ang pag-aresto ng PNP sa isa pang lider ng notoryus na carjacking syndicate na si Roger Dominguez na itinuturong nasa likod ng pagdukot at brutal na pagpatay sa car dealers na sina Venson Evangelista, Emerson Lozano at driver nito noong nakalipas na Enero.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., hindi ilegal ang gi­na­wang pagkulong ng PNP kay Dominguez dahilan may nakabimbin itong warrant of arrest sa kasong carnapping sa Bulacan Regional Trial Court (RTC).

Si Roger, kapatid ng isa ring lider ng carjacking syndicates na si Raymond Dominguez ay nasakote sa traffic counterflow sa Timog, Quezon City noong nakaraang linggo.

Si Raymond ay nauna nang sumuko sa mga awtoridad noong Enero.

Naaresto si Roger matapos na magpanggap na pulis kasama ang isang Jason Miranda alyas Soy na umano’y miyembro rin ng sindikato.

Samantalang matapos ang mga itong maaresto ay nabawi naman sa follow-up operation sa isang mall sa Kalentong, Mandaluyong City ang sasakyan ni Evange­lista na pinalitan na ng plaka.

Ginawa ni Cruz ang pahayag bilang tugon sa pag-alma ng abogado ni Roger na si Atty. Joey Cruz na ma­ling hakbangin at hindi dapat sampahan ng ibang kaso ang kanyang kliyente da­hilan naaresto ito sa paglabag sa batas trapiko.

Magugunita na ang mag­kapatid na Dominguez ang itinuturong mastermind at lider­ ng carjacking syn­dicates na dumukot kina Evangelista, Lozano at driver ng huli na si Ernani Sensil; pawang natagpuan ang sinunog na mga bangkay sa magkakahiwalay na lugar sa Central Luzon matapos ang mga itong dukutin sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City noong nakalipas na buwan.  

AGRIMERO CRUZ JR.

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT

CENTRAL LUZON

DOMINGUEZ

EMERSON LOZANO

ENERO

ERNANI SENSIL

JASON MIRANDA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with