^

Metro

Kontraktor ng Eton, tinuluyan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kinasuhan na ng QC hall engineering department ng paglabag sa National Building Code ang kon­traktor ng Eton Centris Cyber Pode 2 matapos gumuho ang rampa ng ikalawang palapag ng ginagawang gusali sa lungsod kamakailan.

 Ang kaso ay isinampa ng QC Engineering office laban sa Grandway Construction Inc (GKI) dahil sa paglabag sa itinatakda ng building code.

Ayon kay Engr. Isagani Verzosa, matagal na nilang binalaan ang kontraktor tungkol sa kawalan ng building permit, pero hindi ito nagsitalima hanggang sa mangyari ang insidente nang pagguho.

Una rito, pinasinungalingan ni Verzosa ang pahayag ng Architect ng GKI na si Bernabe Kaw na nagsumite na sila ng mga dokumento sa QC government pero di daw ito inaksiyonan ng city hall. Ani Verzosa, ni isang dokumento ay wala pang sinusumite si Architect­ Kaw.

ANI VERZOSA

AYON

BERNABE KAW

BUILDING

ETON CENTRIS CYBER PODE

GRANDWAY CONSTRUCTION INC

ISAGANI VERZOSA

KINASUHAN

NATIONAL BUILDING CODE

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with