^

Metro

40-taon pagkakulong sa holdaper

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinatawan ng 40- taong pagkabilanggo ang isang holdaper na pumatay pa ng pasahero ng G-Liner bus na kanyang hinoldap, sa Sta. Mesa, Maynila, noong nakalipas na Pebrero 15, 2004.

 Sa 7-pahinang desisyon ni Manila Regional Trial Court Judge Reynaldo Alhambra, ng Branch 54, guilty ang akusadong si Ricardo Marzo sa kasong robbery with homicide at hinatulan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong kulong dahil sa pamamaril na ikinasawi ng pasaherong si Mary Joyce Lattao na tumanging ibigay ang kanyang mga kagamitan.

 Inatasan din ng korte si Marzo na bayaran ang mga naulila ni Lattao ng kabuuang P338,851.44 bilang indemnity ex-delicto, temperate at moral damages, at bilang reimbursement sa nagastos sa ospital , burol at libing.

Sinabi ng testigong si Mario Coquia, konduktor ng bus, na pagbaba ng Nagtahan Bridge ng bus ay nagdeklara ng holdap ang grupo ng akusado at kinolekta ang mga dala-dalahan ng mga pasahero subalit tumayo umano ang biktima at kinompronta pa ang mga holdaper sa pagsa­sabing ibalik ang kanyang gamit hanggang sa siya ay barilin ng 3 ulit sa ulo.

 Mabilis na nagsibaba ang mga holdaper sa gas station sa Pureza St. at kaagad dinala sa pa­ga­mutan ang biktima su­balit hindi na rin na­isalba pa. (

G-LINER

INATASAN

LATTAO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT JUDGE REYNALDO ALHAMBRA

MARIO COQUIA

MARY JOYCE LATTAO

NAGTAHAN BRIDGE

PUREZA ST.

RICARDO MARZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with