^

Metro

Sunog sa QC: 2 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi naging maganda ang pagsalubong sa Araw ng mga Puso sa dalawang babae matapos na malapnos ang kanilang mga kamay nang maglagablab ang tinutuluyan nilang gusali sa lungsod Quezon kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Flordeliza Cortira at Elena Lopez, na nagtamo ng first degree burn sa kanilang mga kamay.

Ayon sa ulat, ang sunog ay naganap sa 2-storey building na pag-aari ng isang Rolando Magcale, sa #68 Emerald St., Fern Village, Brgy. Pasong Tamo ganap na alas-9:48 ng umaga. Diumano, bigla na lamang sumiklab ang bahagi ng kusina sa ikalawang palapag hanggang sa tuluyang lamunin ito at madamay ang tinutuluyan ng dalawang biktima.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog bago tuluyang ideklarang fire out ganap na alas-10:40 ng umaga.

Inaalam pa ang sanhi ng naturang sunog habang umabot naman sa P3 milyon ang halaga ng napinsala dito.

vuukle comment

ARAW

AYON

BRGY

DIUMANO

ELENA LOPEZ

EMERALD ST.

FERN VILLAGE

FLORDELIZA CORTIRA

PASONG TAMO

ROLANDO MAGCALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with