^

Metro

'Kuliglig' drivers na kukuha ng motor gagarantiyahan ng Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila City Hall Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman na gagaratiyahan nila ang mga ‘kuliglig’ drivers na nais na kumuha ng mga motor na maipampapasada kapalit ng ipinagbabawal na kuliglig ng city government.

Ang paniniyak ay ginawa ni de Guzman matapos na umapela sa kanyang tanggapan ang mga kuliglig drivers ng tulong upang makakuha ng motor at magamit na pangkabuhayan.

Ayon kay de Guzman, nakikipag-ugnayan na sila sa mga motorcycle company upang maging maayos ang kontrata sa pagitan nito at ng mga kukuha ng motorsiklo.

Giit pa ni de Guzman, ang sistema ay papabor sa mga driver na kukuha ng motor dahil sisi­guraduhin nilang abot-kaya ang bayad nito.

Ipinaliwanag ni de Guzman, na kailangan na gawin ng city government ang pagbabawal ng kuliglig upang mabawasan ang polusyon sa lungsod.

Aniya, ang motor na ginagamit ng mga kuliglig ay lubhang mapanganib sa kalusugan dahil ito ay para lamang sa mga mangingisda.

Sa kabila nito, sinabi pa ni de Guzman na hindi pa rin sila papayagan sa mga pangunahing lansa­ngan sa lungsod.

­

vuukle comment

ANIYA

AYON

CITY HALL CHIEF OF STAFF

GIIT

GUZMAN

IPINALIWANAG

MEDIA INFORMATION BUREAU

RIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with