^

Metro

Ama kulong sa pangmomolestiya ng anak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isang mister matapos na ipaaresto ng kanyang misis nang maaktuhang inaabuso nito ang kanilang dalagitang anak sa lung­sod ng Quezon.

Kinilala ni Supt. Edgardo Pamitan, hepe ng Police­ Station 11 ng QCPD, ang suspect na si  Ange­lito Buganan, 36, ng no. 23 ROTC hunters, Brgy. Tatalon, Q.C.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Loida Daguiog, lumi­litaw na nagsimula ang pangmomolestiya ng suspect kay “Marie”, 13, noong 2004 at ang pinaka­huling insidente­ ay noong Pebrero 10, 2011.

Ginagawa ng suspect ang panghahalay sa anak tuwing alas-7 ng gabi kung saan wala ang inang si Nancy.

Nabuko ang kawalanghiyaan ng suspect nang sorpresang umuwi si Nancy at naaktuhan ang suspect na nakapatong sa kanyang anak habang walang saplot sa katawan.

Sa pagkabigla ay dali-daling hinablot ni Nancy ang anak mula sa suspect saka mabilis na binihisan at nagtungo sa himpilan ng barangay para mag­reklamo.

Agad namang kumilos ang mga kagawad ng ba­rangay at dinakip ang suspect saka dinala sa him­pilan ng PS-11 para sa kaukulang disposisyon.

Kasong paglabag sa Republic act 7610 in relation to child abuse o attempted rape ang kinakaharap ngayon ng suspect sa piskalya kung saan walang bail na inirekomenda para dito.

vuukle comment

ANGE

BRGY

BUGANAN

EDGARDO PAMITAN

GINAGAWA

HIMAS

KASONG

LOIDA DAGUIOG

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with