^

Metro

Lim nagbabala vs maruruming resto

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Manila Mayor Alfredo S. Lim laban sa mga restaurant na maging malinis at sumunod sa regulasyon upang maiwasang maipasara.

Ang babala ay gi­nawa ni Lim matapos na ipasara ang Mr. Fo’s Refreshment sa No. 569 Quezon Boulevard sa Quiapo na pagmamay-ari ni Jefferson Tim.

Nabatid kay Lim na hindi lamang ang restau­rant ang nakitaan ng pag­labag ng kawalan ng business permit kundi maging ang mga empleyado nito na nagtatrabaho ng walang health certificates.

Ayon naman kay Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric De Guzman, lu­militaw sa re­port ni sanitary inspector Alma Flor Pa­loma na barado ang banyo at maging ang drainage system ng naturang restaurant na pinamamaha­yan ng mga ipis at iba pang uri ng insekto.

Napag-alaman na ma­ kailang ulit na ding inins­peksiyon at binalaan ang establisimyento subalit walang ginawang pagsa­saayos hanggang sa mag­desisyon ang city govern­ment na ipasara ito.

Sinabi ni Lim na dapat panatilihing malinis ang mga ganitong uri ng establisimiyento sa lahat ng oras dahil maaaring magkasakit ang publiko.

vuukle comment

ALMA FLOR PA

CHIEF OF STAFF

JEFFERSON TIM

MANILA MAYOR ALFREDO S

MEDIA INFORMATION BUREAU

MR. FO

QUEZON BOULEVARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with