Love triangle: Kelot, todas sa karibal

MANILA, Philippines - Dahil sa agawan sa isang babae, nasawi ang isang 37-anyos na lalaki nang saksakin ng live-in partner ng kanyang nobya matapos ang isang mainitang pag­­ tatalo, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon dahil sa saksak sa likod ang biktimang si Ramil Icaro, empleyado ng V-fel Ice Plant at residente ng No. 50 Javier St., Baritan ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspect na si Carmelito Macosme 28, “alyas Butchoy”. 

Sa ulat ng Malabon police, naganap ang kri­men bandang alas-7:00 ng gabi sa tapat ng bahay ng suspect.  Na­batid na nagtungo sa bahay ni Macosme ang pinag-aagawang babae na si Rowena Parago upang hakutin ang kanyang mga gamit para makisama na sa biktimang si Icaro.

Hindi umano puma­yag si Macosme kung saan nagpumilit pa ring umalis ang babae sanhi upang magalit ang una at saktan ang babae.

Nakarating naman ang balita ng pananakit sa babae kay Icaro na naging dahilan ng pagsugod nito sa bahay ng suspect.

Sa gitna ng pagta­talo, nagbunot ng patalim si Macosme ngunit nagawa pang makatakbo ni Icaro. Minalas na na­abutan naman ito sanhi upang masaksak sa likod.

Nabatid na matagal ng gustong makipag­hi­­walay ni Parago sa sus­pect dahil sa wala na­mang  trabaho ang suspect bukod sa ginagawa nitong pananakit.

Show comments