Gimik sa Luneta ngayong Valentine's Day

MANILA, Philippines - Magandang balita para sa mga magkasintahan o mag-asawa na naghahanap ng matipid na gimik para sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso bukas.

Ito ay matapos na magbigay ng gimik ang National Parks and Develop­ment Committee (NPDC) sa mga magdi-date sa Luneta Park para sa Valentines day.

Ayon kay NPDC Executive Director Juliet Villegas, na maaaring manood ng libreng concert sa Rizal park ang mga magsing irog mula alas-6 ng gabi hanggang 12 ng hatinggabi.

Bukod dito magkakaroon pa ng pa-contest para sa mga magsing-irog at mag-asawa na may pinaka-sweet na paghuhulog ng coins sa wishing   fountain kung saan maaari silang manalo ng trip to Boracay, trip to Puerto Azul o trip sa isang resort sa Bulacan.

Mayroon ding inihanda ang NPDC ng isang buffet dinner sa Chinese garden­ sa Luneta para sa mga mag­de-date sa halagang P500 lamang.

Nilinaw naman ni Villegas na sa mga magsing-irog na gustong makaiwas sa mas maraming taong dadagsa sa Valentines day ay ma­aari na ring magpunta ngayon pa lang sa Rizal park.

Layunin umano ng kanilang pag­hahanda na maibalik ang imahe ng Rizal Park na isa sa pangunahing pasyalan sa buong Metro Manila.

Show comments