^

Metro

Salpukan ng 2 SUV: 2 patay, 3 sugatan­

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi, habang tatlo ang sugatan makaraang salpukin ng umano’y la­sing na driver ang sinasakyan ng mga una sa Kamias Quezon City kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng pu­lisya, naganap ang insi­dente sa kahabaan ng K-7 Street sa Kamias, Quezon City, nang salpukin ng Toyota Innova ang isang Toyota Revo.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang mga biktimang sina Ella Fernan­dez at Hilaria Garcia, habang patuloy pa ring ginagamot ang mga suga­tang sina Jelyn Bacod, Heidi Yumul, at Jeffrey Yumul, pawang mga pasahero rin ng Revo.

Aresto naman ng mga tauhan ng Traffic Sector III ng QCPD   ang driver ng Innova na kinilalang si Ariel John Bayodalin, 23, na ina­ming lasing siya sa alak nang mangyari ang aksidente na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries at damage to property.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis­ na mabilis ang takbo ng Innova nang salpukin nito ang sa­sakyang Revo at dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumama pa ang Revo sa kalapit na poste ng kuryente sa nabanggit na lugar.

vuukle comment

ARIEL JOHN BAYODALIN

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ELLA FERNAN

HEIDI YUMUL

HILARIA GARCIA

INNOVA

JEFFREY YUMUL

REVO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with