MANILA, Philippines – Muling binulabog ang mga manggagawa sa Eton Centris sa Quezon City matapos na gumuho ang isang palapag sa ginagawa nilang gusali dito kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat, ang gumuho ay kabilang sa 13 palapag na ginagawang gusali ng Eton, matapos na bumigay umano ang tuntungan nito habang binubuhusan ng semento ng mga construction worker ganap na alas-8 ng umaga.
Gayunman, wala namang iniulat na nasaktan sa naturang pagguho.
Maaalalang, 11 katao ang nasawi nang gumuho ang isang gusali sa construction site ng Eton Properties Philippines Inc. sa Makati nitong nakaraang Enero.
Agad na sinuspinde ng awtoridad ang proyekto kasabay ng pagsasampa ng kaso laban sa kompanya at kontraktor nito.