Carjackers sumalakay sa Makati

MANILA, Philippines - Doble-buwenas ang isang grupo ng mga carjacker makaraang matangay na ang isang Toyota Hilux pick-up van, kasamang nakuha rin ang isang motorsiklo na karga nito, kahapon ng madaling-­araw sa Makati City. Sa ulat ng Makati police, natangay ng mga salarin ang Hilux van (ZTL-919) na karga naman ang isang Suzuki motorcycle dakong alas-5 ng madaling-araw sa may Malvar St., Brgy. Bangkal, ng naturang lungsod. Ayon sa driver ng pick-up na si Nelson Bataller, ipaparada na niya ang sasakyan sa garahe nito nang sumulpot ang apat na lalaki na agad siyang tinutukan ng baril. Inagaw ng mga salarin ang manibela kay Bataller at pinasibad ito patungo ng Maynila.

Show comments