Binalya sa basketball, parak namaril

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng reklamong frustrated homicide ang isang pulis-Maynila matapos umanong mamaril ng kabalyahan sa larong basketball, sa Dapitan Sports Complex, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa UST Hospital ang biktimang si Florencio de Los Santos, ng Sampaloc, na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan dahil sa pamamaril umano ng suspect na si PO1 Fer­nando Gomez, 29, na nakalataga sa MPD-District Anti-illegal Drugs (DAID).

Ayon sa imbestigas­yon, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Dapitan Sports Complex sa Sampaloc, Maynila. Nagka­balyahan umano ang grupo ng biktima at suspect sa kalagitnaan ng laro ng basketball hanggang sa nagtalo ang da­lawa. Umalis umano ang sus­­pect at nagtungo sa parking area at sa pagresbak ay dala umano ang baril nito at saka pinutukan ng isang beses ang biktima, bago tumakas.

Isang tricycle driver naman ang nagdala sa ospital sa biktima.

Show comments