^

Metro

Talamak na abortion, tututukan ng QCPD

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang hanay ng Quezon City Police sa lumalalang kaso ng abortion matapos na magkasunod na naitala ang pagkakatagpo sa dalawang fetus malapit sa may Aurora Blvd., ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay PO3 Jaime Jimena, posibleng may abortio­nis­tang nag-ooperate sa lungsod bunga na rin ng mga pa­latandaang iniwan nito mula sa nakuhang lalagyan ng mga itinapong fetus.

Base sa pagsisiyasat, ang mga fetus na natagpuan ay pa­wang mga nasa pagitan ng 5 hanggang 6 na buwan kung saan ang isa sa mga ito ay may nakatala pang petsa kung kailan at anong oras ito ipinanganak.

Nabatid sa CIDU na alas-11:30 ng gabi nang matagpuan ang fetus sa may Aurora Blvd., pa­gitan ng QC at Marikina, Brgy. Barangka ng isang magbabasurang si Elvira Ciptimo, 34.

Matapos ito, isa pang fetus ang natagpuan sa may Sta. Clara Church sa kahabaan din ng Katipunan ng isang barangay purok lider na si Cristina Cirera habang nakasilid din umano sa maliit na kahon ganap na alas-8 ng umaga.

AURORA BLVD

AYON

BARANGKA

BRGY

CLARA CHURCH

CRISTINA CIRERA

ELVIRA CIPTIMO

JAIME JIMENA

KATIPUNAN

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with