^

Metro

2 presong pumuga sa NBI jail mapanganib

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagbabala sa publiko ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dalawang nakatakas na pre­song sangkot sa mabibigat na kasong kriminal sa NBI de­tention cell, sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinumpirma ni Special Agent Cecilio Zamora, tagapagsalita ng NBI, na nakatakas sina Albert Mata, may kasong (payroll) robbery with homicide, 37, na nadakip sa Marikina City at isang 57-anyos na si Leovince Acapulco, na sangkot sa kasong kidnap for ransom.

Ang dalawang pugante umano ay tumatayong mayor at bise mayor sa hanay ng mga detenido sa NBI jail. Sila ay nakapiit umano sa selda na pinagkulungan ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na pangunahing akusado sa Maguindanao massacre.

Dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang matuklasan ang pagtakas ng mga suspect na lumusot sa daanan patungo sa UP-Manila at Supreme Court. Sa pamamagitan umano ng paglagare sa 10 pirasong ‘de-uno’ na rehas na bakal kaya nakapuga ang dalawa habang nagpapalit ng damit ang guwardiya nang may magsumbong na isang detainee.

Nabatid na ang closed-circuit television (CCTV) na naka­tapat sa likod ng nasabing selda ay tinakpan umano ng bimpo kaya hindi na-monitor ang kanilang ginawang pagtakas.

Aminado ang NBI na nitong Pebrero ay hindi pa sila nag­sagawa ng masusing ins­peksiyon sa selda ng dalawa kaya po­sibleng Enero pa nang sinimulan ang paglagare sa nasabing rehas.

Nakatakda umanong ilipat sa bagong kulungan ang da­lawa sa susunod na mga araw subalit huli na.  

ALBERT MATA

AMINADO

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

LEOVINCE ACAPULCO

MARIKINA CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

SPECIAL AGENT CECILIO ZAMORA

SUPREME COURT

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with