'Bogus' na Stradcom binatikos
MANILA, Philippines - Nilinaw ni dating Finance secretary Roberto de Ocampo at kasalukuyang Board Chairman ng Stradcom na nag-iisa lamang ang Stradcom Corporation kasabay ng pagbatikos nito sa grupo ng mga negosyante na nagtangkang kumubkob sa Stradcom building noong Disyembre 9, 2010.
Sa kanilang ipinadalang liham kay Department of Transportation and Communications (DoTC) Sec. Jose “Ping” de Jesus, nakasaad na nalagay sa kahihiyan ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa ginawang illegal na pagkubkob ng grupo nina Bonifacio Sumbillo at Aderito Yujuico.
Hindi umano dapat palagpasin ng DoTC ang ginawang perhuwisyo nina Sumbillo at Yujuico sa publiko na dumadagsa sa nabanggit na ahensiya matapos na magpanggap na may-ari ng Stradcom ng walang legal na basehan gayung wala namang nagaganap na intra corporate controversy.
Matatandaan kamakailan ay nagpalabas ng desisyon ang Quezon City Regional Trial Court base sa apelang inihain nina Sumbillo at Yujuico na sila dapat umano ang kilalanin na mga opisyales ng Stradcom subalit ito ay agad na ibinasura ng korte dahil sa kawalan ng basehan at merito.
- Latest
- Trending