^

Metro

3 Meralco employees, tiklo sa pagnanakaw ng gamit ng kompanya

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong empleyado ng Manila Electric Company (Meralco) habang nasa aktong nagbebenta ng kanilang mga ninakaw na gamit sa isang junk shop sa Quezon City.

Nakakulong sa Pasig City Police Station ang mga suspect na sina Alfred Chavez, 29, lineman I  ng Miescor Builder Inc. (MBI), ng B10, Dreamland Subd., Bulacan; Julius Bueno, leadman, ng no. 526 Dr. Sixto Antonio Rosario, Pasig City at Edwin Bonifacio, driver, residente ng no.5 Torres Subd., Burgos Rodriguez, Rizal.

Ang tatlo ay inaresto batay sa reklamo ng kinatawan ng Meralco na si Nestor Carlos­, 54, security officer ng Meralco­.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, bago ang pagkaaresto, nagsagawa umano ng operasyon ang tatlo dakong alas-6 ng umaga at nangum­piska ng mga illegal na ku­neksiyon ng kuryente sa San Joaquin Compound, sa Pasig City, sakay ng service closed van (VDN-435).

Pagbalik umano sa opi­sina ng tatlo dakong alas-2:30 ng hapon, ay nag-turn over ang mga ito ng kanilang mga na­­kumpiskang apat na pirasong pole clamp at isang sako ng sealing ring  na nagkakahalaga lahat ng P2,766.

Dahil matagal na uma­nong pinaghihinalaang may ginagawang anomalya ang mga suspect, sinundan ang mga ito ng ilang kasamahan at natiktikang nagtungo sa isang junk shop sa Project 4, sa Quezon City kung saan ibinenta ang kanilang nakumpiskang gamit.

vuukle comment

ALFRED CHAVEZ

BURGOS RODRIGUEZ

DR. SIXTO ANTONIO ROSARIO

DREAMLAND SUBD

EDWIN BONIFACIO

JULIUS BUENO

MERALCO

PASIG CITY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with