^

Metro

MCJ, maghihigpit sa mga bisita sa Valentine's Day

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang linggo bago ang Va­lentines Day, nagsisi­mula nang maghigpit ang pa­munuan ng Manila City Jail (MCJ) sa mga bisitang dadalaw sa kanilang mga kamag-anak at asawa na nakakulong dito.

Ayon kay MCJ Warden, Supt. Ruel Rivera, hinaha­napan nila ng mga ID at marriage contract ang mga misis na dadalaw sa kanilang mga mister na nakakulong dito dahil pinapayagan naman nila ang conjugal visit na naaayon sa batas. Hindi umano maaaring makapasok sa mga selda ang hindi mag-asawa.

Sinabi naman ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Director Rosendo Dial, na nasa red alert status ang kawanihan lalo pa’t inaasahan na ang pagdagsa ng mga bisita simula bukas hanggang sa Pebrero 14, Araw ng mga Puso.

Aniya, nais din nilang ma­bigyan ng pagkakataon ang mga mag-asawa at mga pa­milya na magkasama sa araw na mahahalaga sa kanila.

Napag-alaman naman kay BJMP-NCR director, Chief Supt. Benito Dorigo na hindi lamang ang MCJ ang maghihigpit kundi ang lahat ng mga piitan sa Metro Manila. Aniya, kailangan lamang magpakita ng mga legal na dokumento ang mga bibisita upang maiwasan ang anumang aberya.

ANIYA

BENITO DORIGO

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHIEF SUPT

DIRECTOR ROSENDO DIAL

MANILA CITY JAIL

METRO MANILA

RUEL RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with