Dalaga nagbigti

MANILA, Philippines –  Tinapos ng isang 31-anyos na dalaga ang kanyang buhay­ sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili dahil umano sa hindi nakayanang problema sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rosaly Pacifico, ng Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Station 3, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-10 ng umaga at ginamit nito sa pagbibigti ang isang cable wire.

Hinihinala ng pulisya na dahil sa matinding problema ang siyang dahilan ng pagpapatiwakal.

Gayunman, isasailalim ng pulisya sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para matiyak na walang naganap na foul play sa pangyayari.

Show comments