^

Metro

30 lady drivers pumasa sa unang screening ng MMDA

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Tinatayang nasa 30 babaeng tsuper ang nakapasa sa unang screening ng Metro­politan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) para maging bus driver.

Nabatid na ang nabanggit na lady drivers ay suma­sa­­ilalim sa pagsasanay o training na pinatutupad ng MMDA.  

Tiniyak naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na kapag nakapasa na sa final­ screening ang mga ito ay siguradong may naka­abang nang trabaho sa mga bus companies at ang ahensiya mismo ang magrerekomenda sa kanila.

Muling nilinaw ni Tolentino na ang hakbangin ng ahensiya ay upang maibsan o mabawasan ang pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa mga pangunahing lan­sa­ngan ng Kalakhang Maynila.

Naniniwala ang nabanggit na opisyal na sa pagkuha ng mga lady drivers para sa mga pampasaherong bus ay mababawasan na ang mga road accidents, bukod pa sa makikitang mga disiplinado at responsableng drivers ang mga ito.

Matatandaan sa record ng MMDA noong nakaraang taon, rumehistro na 137 la­laking driver ang namatay dahil sa pagkakasangkot sa road accidents habang 5 lamang na babaeng drivers.

Sa naturang rekord, nani­niwala ang MMDA na mas higit na maingat at di­sipli­nado ang mga babae pag­da­ting sa pagmama­neho.

vuukle comment

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

KALAKHANG MAYNILA

MANILA DEVE

MATATANDAAN

NABATID

NANINIWALA

SHY

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with