^

Metro

Lalaki tinodas ng magkapatid

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng magkapatid na kumatok sa kanyang bahay kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si  Ryan San Agustin, 31, ng A. Palon St. ng nasabing lungsod matapos na magtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang  magkapatid na sina Ferdinand at Francisco Miranda, kapwa naninirahan sa naturang lugar.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa bahay ng biktima sa naturang lugar.

Ayon sa ina ng biktima na si Josephine, kasa­lukuyan silang natutulog na mag-ina nang makarinig sila ng sunud-sunod na katok sa pintuan.

Agad namang tumayo sa pagkakahiga ang biktima upang alamin kung sino ang kumakatok. Ngunit nagulat siya ng pagbukas nito ng pintuan ay agad na pinaputukan ng mga suspect ang kanyang anak.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect sa hindi natukoy na direksiyon.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

FERDINAND

FRANCISCO MIRANDA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MATAPOS

NGUNIT

PALON ST.

PINAGBABARIL

RYAN SAN AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with