^

Metro

11 katao tupok sa Navotas fire

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahed­ya ang dapat sana’y ma­sa­­yang pagdiriwang  ng piyesta makaraang masawi ang 11 katao na halos magkakamag-anak  sa sunog habang inatake na­man ang isa pa kasabay ng pagka­tupok ng 100 ka­ba­ha­yan sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga bik­tima na sina William Aga­rin, Harvey Agarin, Jessie James Agarin, Jennifer Aga­rin, Jayrold Salonga, Nathalia Salonga, Angela Salonga, George Milagroso, Erick Tambor, Jerald Blancaflor, Carlito Blancaflor at habang inatake naman sa puso si Remedios Ortilla.  

Sa inisyal na imbestigasyon ni F03 Do­­mingo Gastillo, ng Navotas City Fire Department, da­­­kong alas-11:08 ng gabi nang magsimulang kumalat ang apoy mula sa bahay ng biktimang si  Milagroso, na mata­tagpuan sa Leongson Ext., Bgy. San Roque, ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa awtoridad, na madaling kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Hindi nagawang ma­­iligtas ng mga biktima ang kani-kanilang mga sarili dahil karamihan sa mga ito ay natu­tulog na nang magsi­mulang kumalat ang apoy.

Hirap din ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahilan upang madamay ang ilang bahagi ng  San Roque Ele­mentary School.

Dakong alas-4:45 ka­hapon ng madaling-araw naapula ang apoy na uma­bot sa general alarm at tumupok sa may P5 milyong halaga ng mga ari-arian.

Kasalukuyan namang dinala sa eva­cuation cen­ter sa San Roque High School ang mga naging biktima ng sunog habang umaasa na la­mang ang mga ito sa ipinadadalang tulong ng lokal na pamahalaan.

Inutos naman ni Na­­­votas City Mayor John Rey Tiangco sa kanyang mga tauhan ang pagsasagawa ng Oplan Da­ma­yan upang mabigyan ng tulong ang mga biktima.

ANGELA SALONGA

CARLITO BLANCAFLOR

CITY MAYOR JOHN REY TIANGCO

ERICK TAMBOR

GEORGE MILAGROSO

HARVEY AGARIN

JAYROLD SALONGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with