^

Metro

300 kilo ng 'botcha' nasabat

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Nasabat ng Veterinary Inspection Board ng Manila City Hall ang may 300 kilo ng double dead meat o botcha na nakatakda sanang ibagsak sa mga stall sa Ilaya St. at C.M. Recto Avenue sa Tondo, Maynila kahapon ng ma­daling-araw.

Nabatid kay Dr. Joey Diaz, hepe ng VIB ng Manila City Hall, na lulan ang mga botcha sa isang pedicab na mina­maneho ng isang Alfredo Guiller­mo nang masabat ng kanyang mga tauhan dakong alas-3 ng madaling-araw sa bahagi ng Ilaya St., Tondo.

Bukod sa hindi na magandang it­sura ng mga karne, wala ring maipakitang certificate o tatak ng Meat Inspect­ion Service (MIS) ang may dala nito.

Itinanggi naman ni Guillermo na siya ang may-ari ng delivery at sinabi niya na isinakay lamang sa kanyang pedicab ang nasabing karne at binayaran siya ng P100 upang ibagsak sa nasabing palengke.

Lumalabas na ang nasabing baboy ay kinatay lamang sa isang lugar sa Del Pan, Tondo sa hindi rehistradong slaughterhouse.

Nakatakdang ibaon sa lupa ang mga nasamsam na botcha upang hindi na makapagdala ng sakit sa publiko.

vuukle comment

ALFREDO GUILLER

BUKOD

DEL PAN

DR. JOEY DIAZ

GUILLERMO

ILAYA ST.

MANILA CITY HALL

MEAT INSPECT

RECTO AVENUE

VETERINARY INSPECTION BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with