^

Metro

Kaso ng Baywalk beauty, wala pang konek sa pagpaslang sa 2 car dealer - NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Wala pang malinaw na detalye ang mga awtoridad kung ang carnapping syndicate na itinuturo sa pamamaslang sa car dealer na si Venson Evange­lista ay sila ring nasa likod ng pamamaslang sa Baywalk beauty na si Rejoice Rivera at anak ni Atty. Oliver Lozano na si Emerson Lozano.

 Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon subalit di pa tukoy kung posibleng ang iisang grupo ang nasa likod ng karumal-dumal  na pagpatay at carjacking.

 Kabilang sa magkakasabay na imbestigasyon ng NBI ang murder kay Rivera na natagpuang walang buhay sa Bulacan noong Disyembre 31.

 Noong isang linggo, sini­mulan na rin ng NBI ang parallel­ investigation sa Lozano carjack-slay,  bagamat ang Philippine National Police (PNP) ang lead agency.

 Sinabi ng tagapagsalita ng NBI na si Atty. Cecilio Zamora, ang NBI-Death Investigation Division (DID) na pinamumunuan ni Atty. Romulo Asis ang nakikipag-ugnayan sa PNP.

 Una nang nag-claim ang isang Nieves Santos, ina ng nabanggit na Baywalk beauty na may kaugnayan umano ang kaso ng anak niya sa mga kaso ni Lozano.

vuukle comment

BAYWALK

CECILIO ZAMORA

DEATH INVESTIGATION DIVISION

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

EMERSON LOZANO

LOZANO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIEVES SANTOS

OLIVER LOZANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with