^

Metro

Snatcher dedo sa parak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang snatcher matapos na barilin ng isang rumispondeng kagawad ng pulisya makaraang holdapin ang isang nursing student sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Erick Habana, 31, ng Palanca St., Quiapo Manila.

Samantala, sugatan naman ang nakabaril na pulis na si PO1 Elmer J. Matibay nakatalaga sa QCPD-Special Weapons and Tactics matapos na masaksak ni Habana nang rumiresponde ito sa nasabing insidente.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang pamamaril kay Habana makaraang hablutin nito ang cellphone ng biktimang si Cathe­rine Sanchez, 17, dalaga, nursing student sa South East Asean College Inc. at residente   ng Brgy. Talayan sa lungsod.

Nangyari ang insidente habang sakay ng pampasaherong jeepney na may biyaheng Project 8-Quiapo ang biktima at ang suspect na nagkunwaring pasahero at tinatahak ang kahabaan ng Quezon Avenue, Brgy. Tatalon ganap na alas-5 ng hapon.

Dito ay biglang hinablot ng suspect ang cellphone ng biktima at saka mabilis na bumaba ng jeepney at tumakas.

Nagsisigaw naman ng saklolo si Sanchez na nagbigay atensyon kay PO1 Matibag at nasaksihan ang pangyayari at hinabol ang suspect.

Matapos ang maikling habulan ay nakorner ni PO1 Matibag ang suspect sa Lomot St., Brgy. Tatalon pero sa halip na sumuko ay nagbunot ng patalim ang huli at inatake ng saksak ang una sa balikat.

Dahil dito, wala nang nagawa ang pulisya kundi ang idipensa ang kanyang sarili sabay hugot ng kanyang baril at paputukan ang suspect na agad na ikinamatay nito.

Nabawi ng pulis sa suspect ang inagaw nitong cellphone sa biktima at isang patalim na may 10 pulgada ang haba.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insi­dente.

BRGY

ELMER J

ERICK HABANA

HABANA

LOMOT ST.

MATIBAG

PALANCA ST.

QUEZON AVENUE

QUIAPO MANILA

SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with