^

Metro

40 sugatan sa demolisyon

-

MANILA, Philippines - Naging marahas ang naganap na demolisyon sa kabahayan na nakatirik sa itatayong bagong city hall ng lungsod ng San Juan nang magpaulan ng bato at bote ang mga apektadong mga residente habang gumanti naman ng pagpapasabog ng “tear gas” ang pulisya, kahapon ng umaga.

Nabatid na dakong alas-8 pa lamang ng umaga nang mag-umpisa ang karahasan nang panandaliang magpaulan ng bato ang mga residente na nagbarikada papasok sa kanilang mga tahanan sa may Pinaglabanan, Brgy. Corazon de Jesus, sa naturang lungsod.  Muli itong naulit dakong alas-8:30 ng umaga kung saan lima sa panig ng demolition team na tangka pa lamang pumasok sa lugar ang tinamaan ng bato at bote.

Pasado alas-9:30 ng uma­ga nang tuluyang magkasal­pukan ang mga residente ka­sama ang mga nakapasok na miyembro ng militanteng grupong Bayan at ang pulisya na napilitang gumamit ng tear gas upang mapigil ang dahas.  Naapektuhan ng tear gas ang mga residenteng matatanda at mga paslit na nagtatago sa kani-kanilang bahay.

Sa puntong ito dumating si dating Pangulong Joseph Estrada na gumitna sa kaguluhan at nakiusap sa mga residente na tigilan na ang panggugulo.  Sinabi nito na hindi naman ma­aapektuhan ang mga nangu­nguna sa karahasan dahil sa tanging 103 kabahayan lamang na katabi ng itatayong bagong city hall ang unang lalansagin upang maumpisahan na ang proyekto.

Sinabi nito na nakipagnegosasyon na ang pamahalaang lokal ng San Juan sa mga apektadong pamilya na pumayag naman na lisanin ang kanilang tahanan at pansamantalang lumipat sa inilaan na relocation site sa Montalban, Rizal.

Inihayag naman ni San Juan Representative at dating Mayor Joseph Victor Ejercito na isang “medium-rise residential building” ang itatayo sa babakantehing lupain ng mga squatter kung saan bibigyan ng prayoridad ang mga residenteng kusang lilisan sa kanilang ipinaglalaban na tahanan para mabigyan ng unit bilang permanenteng tahanan.

Iginiit ni Ejercito na matagal nang nagsasagawa ng usapan ang pamahalaang lokal at ang mga lider ng mga apektadong residente ngunit gumugulo lamang dahil sa pang-uudyok ng mga militanteng grupo na siyang nangunguna sa gulo at mga propesyunal na iskuwater na pinagkakakitaan ang pagpapaupa sa itinatayo nilang mga barung-barong. (Danilo Garcia at Mer Layson)

BAYAN

BRGY

DANILO GARCIA

MAYOR JOSEPH VICTOR EJERCITO

MER LAYSON

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN

SAN JUAN REPRESENTATIVE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with