^

Metro

DepEd handa sa one-day registration

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Seryoso  ang Department of Education (DepEd) na pala­kihin ang bilang ng mga batang magpapa-enroll sa paaralan sa darating na pasukan.

Kaugnay nito, inianunsiyo ng DepEd na puspusan na ang paghahanda para sa kanilang programang one-day early registration sa Enero 29.

 Kasunod nito, ipinag-utos ng DepEd ang paglikha ng DepEd-­Assistance Center for Early Registration (DepEd-ACER) Help Desk upang ma­ka­tulong sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa pro­grama at tumugon sa lahat ng mga katanungan ng publiko.

 Ayon kay Education Undersecretary for Programs and Projects Yolanda Quijano, umaasa sila sa tulong ng early registration campaign, mahihikayat nila ang mga magulang na ipa-enroll sa paaralan ang kanilang mga anak upang mabigyan ng oportunidad na makapag-aral.

 Ang pagbuo ng naturang help desk ay alinsunod sa DepEd Order No. 2, na nag­dedeklara sa Enero 29 bilang Early Registration Day.

Inaasahang mag-ooperate ang ACER-Help Desk sa Bulwagan ng Karunungan, Rizal Building, DepEd Complex, Pasig City mula Enero 29 hanggang Pebrero 4, 2011.

ASSISTANCE CENTER

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

EARLY REGISTRATION

EARLY REGISTRATION DAY

EDUCATION UNDERSECRETARY

ENERO

HELP DESK

ORDER NO

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with