Task Force disiplina aarangkada na

MANILA, Philippines - Sisimulan na sa Mar­­tes ng Metropolitan Ma­nila Development Au­thority (MMDA) ang pagpapa­tupad ng Task Force Di­siplina sa tinaguriang “killer highway” na Commonwealth Ave­nue sa Quezon City upang ma­disiplina ang mga ba­rumbadong bus at jeep­ney driver at mabawasan ang naitatalang aksidente sa lugar.

Kabilang sa ipatutupad ang 60 kph na ma­ximum speed ng lahat ng pampubliko at maging pri­badong sasakyan sa Commonwealth kung saan tutuldukan ang mga kaskaserong dri­ver na nagpapaandar ng sasakyan ng higit sa 100kph dahil sa agawan sa pasahero.

Inisyal na ipinanukala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paglalagay ng “service roads” sa magkabilang gilid ng Commonwealth Avenue habang harang naman ang nais ng MMDA. 

Habang nasa pag-aaral pa ang panukala, ipatutupad naman ng MMDA ang “yellow lane” para sa mga pampasaherong bus, jeepney, taxi at maging mga nakamotorsiklo na pribadong motorista.

Show comments