^

Metro

28 katao tiklo sa raid sa porno company

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawampu’t walo (28) katao ng isang kum­panyang nagpapa­labas ng ‘bold movies’ ang inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa raid sa Mandaluyong City kamakalawa.

Sa inisyal na impormasyon, kabilang sa mga ina­resto ng CIDG ang company lawyer, Exe­cutive Assistant, Chief Financial Officer, Marketing Associates, search engine optimizers, web designers, IT consultant, accountants, writer link builder, writers at isang utility man ng kumpanyang Open PH Inc. na may upisina sa Pioneer St., Mandaluyong City.

Sinalakay ng pulisya dakong alas-4 ng Sabado ng mada­ling-araw ang kumpanya sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Amor Reyes ng Ma­nila Regional Trial Court branch 21. Ito’y makaraang makarating ang impormasyon sa pulisya na iligal itong nagpapalabas ng mga “pornographic” na mga pelikula sa internet at nagdidisenyo ng pornographic websites.

Nasamsam sa ope­rasyon ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Maverick at Anti-Transnational Crime Division ng CIDG ang nasa 33 computer sets, laptop computers, iba’t ibang paraphernalia at mga dokumento bilang ebidensya.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Ar­ticle 201 ng Revised Pe­nal Code ang mga inaresto sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ngunit ipinasya naman ng piskalya na palayain ang mga ito.

ANTI-TRANSNATIONAL CRIME DIVISION

CHIEF FINANCIAL OFFICER

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JUDGE AMOR REYES

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY PROSECUTOR

MARKETING ASSOCIATES

PIONEER ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with