^

Metro

Corinthian bus makakabiyahe na

- Ni Angie de la Cruz -

MANILA, Philippines - Papayagan nang makabiyahe ang mahigit isandaang bus units ng Philippine Corinthian Liner Corporation.

Ito ay kahit na kinansela na ng Land Transportation Franchising and Regulatory  Board (LTFRB) ang prangkisa ng Philippine Corinthian Liner kung saan ang sikat na singer na si Claire dela Fuente ang nagsisilbing operator nito.

Ayon kay Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB­, magagawa ito ni Dela Fuente kung maghahain ito ng mosyon sa Department of Transportation and Communications para makabiyahe pa ang mga sasakyan.

Sinabi pa ni Iway na may 15 araw si Dela Fuente para maghain ng mosyon.

Bukod sa Philippine Corin­thian liner, sinuspinde rin ng LTFRB ang prangkisa ng ES Transport at Bovjen Trans­portation matapos ma­kilahok sa tigil-pasada noong November 15 dahil sa ayaw nila sa bus coding sa EDSA na ipinatutupad ng MMDA.

Ayon kay Iway, may mga bus company pa silang sususpendihin sa susunod na linggo na kasama rin sa tigil- pasada noong Nobyembre 15.

AYON

BOVJEN TRANS

DELA FUENTE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

IWAY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY

MANUEL IWAY

PHILIPPINE CORIN

PHILIPPINE CORINTHIAN LINER

PHILIPPINE CORINTHIAN LINER CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with