Mekaniko natagpuang hubo't hubad na patay

MANILA, Philippines –  Isang mekaniko ang natagpuang patay at hubo’t hubad sa ilalim ng isang tulay sa Tondo, Manila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Frederick Borja, 34, ng F. Varona Street, Tondo, Manila.

Batay sa ulat, dakong alas-6 ng umaga nang ma­diskubre sa ilalim ng tulay ng Estero Vitas sa Balut, Tondo, ang bangkay ng biktima na nakabalot ng packaging tape ang mukha at nakatali ng plastic ang mga kamay at paa.

Nauna rito , dakong alas-11 ng gabi ay narinig ito ng kaniyang live-in partner na si Lea Gonzales, 31, na may kausap na lalaki sa kanyang cellphone. Nagpaalam umano ito sa kanya na pupunta sa Jose Abad Santos Avenue dahil may ire-repair umano itong motorsiklo.

 Simula umano noon ay hindi na nakabalik pa ang dalawa hanggang sa natagpuan ang bangkay ng biktima.

Pinaghahanap pa rin naman ng mga awtoridad si Navarro, sa paniwalang ito ang makapagbibigay ng lead sa naganap sa biktima.

 Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng pagna­nakaw ang motibo ng krimen dahil nawawala umano ang P15,000 cash ng biktima, na bigay umano ng kapatid nito mula sa ibang bansa; bracelet (P20,000), Lacoste na relo (P5,000) at ang kaniyang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigas­yon sa kaso.

Show comments