^

Metro

2 Intsik na may pekeng Korean passport, ipatatapon ng BI

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ipapatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals na ginamit ang Pilipinas na daanan sa tangka nilang illegal na pagpasok sa bansang Canada gamit ang pekeng Korean passports.

Kinilala ni Immigration of­ficer-in-charge Ronaldo Ledesma ang mga Chinese nationals na sina Jiang Wen Shu at Li Quan na naaresto matapos na pabalikin sa Pilipinas ng pamahalaan ng Canada kung saan posibleng ang sindikato ng human trafficking umano ang nasa likod ng illegal na pagbibiyahe sa mga ito.

Sinabi ni Ledesma na patuloy na nilang iniimbestigahan kung paanong nakalabas ng NAIA ang dalawang Instik gamit ang pekeng dokumento upang maaksyunan at maiwasan nang maulit pa ang na­sabing insi­dente sa mga susunod na araw.

Nilinaw ni Ledesma na hini­hinala nila na sindikato ng human trafficking ang nasa likod ng illegal na pagbiyahe ng dalawa dahil sa hindi nila mailabas ang orihinal nilang pasaporte  at posibleng hawak umano ng sindikato na nag-recruit sa kanila.

Inamin naman ng dalawa sa isinagawang preliminary investigation na sila ay mga Chinese at hindi Koreans at ang ginamit nilang pasaporte sa Canada ay peke.

BUREAU OF IMMIGRATION

INAMIN

INSTIK

IPAPATAPON

JIANG WEN SHU

KINILALA

LEDESMA

LI QUAN

PILIPINAS

RONALDO LEDESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with