1 pa patay sa 'killer highway'

MANILA, Philippines - Isa na namang hindi pa nakikilalang babae ang nasawi sa tinaguriang “killer highway”, ang Commonwealth Avenue makaraang mabundol ng isang rumaragasang bus sa lungsod Quezon. Ang biktima ay nakasuot ng puting polo at maong pants.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente sa may south-bound lane ng Commonwealth Avenue, malapit sa Laura St., ganap na alas-11 ng umaga. Sinasabing tumatawid ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang Luzon Bus (TXF-257) na minamaneho ng isang Jomar Cabrera at salpukin ito. Sa lakas ng pagka­kasalpok ay tumilapon ang biktima bago tuluyang sumadsad sa kalsada dahilan para magtamo ito ng labis na pinsala sa katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Show comments