^

Metro

Engineering student nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ang pagbagsak sa dalawang major subjects ang nagtulak sa pagpapatiwakal ng isang 21-anyos na Engineering student ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) state college, sa pamamagitan ng pagbibigti, sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Ramuel Solomon, residente ng D. Ampil St., Sta. Mesa, Manila ng kanyang kapatid na si Rowena, dakong alas-6:30 ng gabi sa kanyang silid na nasa ika-2 palapag ng kanilang bahay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang madiskubreng patay si Ramuel at huli itong nakitang buhay dakong alas-2 ng hapon, kamakalawa nang dumating mula sa eskwelahan.

Isang eletrical cord ang ginamit ng biktima na ipinulupot sa leeg at isinabit sa kisame.

Ayon umano kay Rowena, kapansin-pansin ang pagi­ging malungkutin ng kapatid ng mga nakalipas na araw dahil sa pangambang hindi ito makasama sa graduation ngayong darating na Marso.

Problema umano ng biktima ang pagbagsak niya sa 2 major subjects sa engineering course.

AMPIL ST.

AYON

EULOGIO

ISANG

MARSO

MAYNILA

NADISKUBRE

RAMUEL SOLOMON

RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

ROWENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with