^

Metro

Bangkay na sinunog sa SUV, kinilala na

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kinilala na kahapon ng pulisya ang sinunog na lalaki sa loob ng sports utility van kamakalawa ng madaling-araw sa lungsod ng Caloocan. Ang biktima ay si Levi Dulay, 45, nakatira sa 10th St., 8th Avenue, ng nabanggit na lungsod.

Base sa rekord ng pulisya, nabatid na ala-1:55 kamaka­lawa ng madaling-araw nang magliyab ang Mitsubishi Adventure (WLV-586) ng biktima habang nasa bangketa ng kahabaan ng C-3 Road, ng nabanggit na siyudad.

Matapos maapula ang apoy ng naturang van ng mga rumespondeng bumbero, gumulantang sa mga ito ang sunog na bangkay ng biktima na nasa likuran ng driver’s seat.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, nabatid na nag­paalam ang biktima sa kanyang asawa nitong nakaraang Sabado, dakong alas-9 ng gabi upang magpunta sa Las Piñas City para dumalo sa kanilang batch reunion subalit hindi na ito nakauwi.

Matapos mabatid ng pa­milya ng biktima ang insi­dente, kaagad silang nagtungo sa himpilan ng pulisya at kanilang kinumpirma na sa biktima nga ang nagliyab na sasakyan. Tumugma rin ang dental, record ng biktima sa sunog na bangkay.

Halos sunog na sunog ang biktima at mistulang bungo at kalansay na lamang ang natira rito.  

vuukle comment

BIKTIMA

CALOOCAN

KINILALA

LAS PI

LEVI DULAY

MATAPOS

MITSUBISHI ADVENTURE

SABADO

TUMUGMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with