^

Metro

Dahil sa transfer ng mga pulis, kasong hawak apektado

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ng mga pulis sa Manila City Hall na maaapektuhan ang mga kasong hawak ng ilang opis­yal na ipinatapon sa Min­danao at kabilang sa 26 na miyembro ng Manila Po­lice District (MPD).

Ayon sa mga pulis, hindi naman umano tama na paba­lik-balik mula Min­danao at Maynila ang mga pulis upang dumalo sa kaso na kanilang hawak.

Anila, “unfair” at hindi ma­katarungan ang pagpapalipat sa mga pulis lalo pa’t ang mga ito ay “true blue” MPD police.

Isa na rin dito ang kaso ni Chief Insp. Mar Reyes na patung-patong na kaso ang hawak at kasalukuyang hepe ng General Assignment Section at City Hall Public Assistance.

Una nang umapela ang Manila’s Finest Brotherhood Association, Inc. sa desisyon ng PNP na bigyan ng rekonsiderasyon ang transfer kung saan sinasa­bing posibleng makaapekto ito sa kanilang performance.

Sinabi ni SPO4 Virgo Villa­real, karamihan din sa mga ito ay magreretiro na sa serbisyo sa loob ng dalawang taon.

vuukle comment

CHIEF INSP

CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

FINEST BROTHERHOOD ASSOCIATION

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANILA CITY HALL

MANILA PO

MAR REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with